Coverage

Nakapanliligaw ang pahayag ni President Ferdinand Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang ICC na imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay sa Pilipinas sa ilalim ng drug war dahil itinatag umano ito para magbigay ng hustisya sa mga bansa na walang hukuman. Layunin ng ICC na punuan ang mga lokal na sistema ng hustisya, hindi palitan ang mga ito, at mag-usig ng mga kaso kung ang estado ay hindi kaya o ayaw na gawin ito.
Hindi bababa sa tatlong desisyon ng Korte Suprema ang nagsasabing may ill-gotten wealth ang pamilyang Marcos, gaya ng $658-milyon na Swiss bank deposits, $3.37-milyon na assets ng isang pekeng korporasyon na pag-aari ni Marcos Sr., at ang mga alahas sa Malacanang collection na nagkakahalaga ng $110,000. Sa tatlong hatol, iniutos ng Korte Suprema na bawiin ang mga ito pabor sa pamahalaan ng Pilipinas.
Isa si Sen. JV Ejercito sa limang senador na pumirma upang pigilan ang contempt order para arestuhin si Quiboloy. Sabi ni Ejercito, hindi siya sang-ayon sa contempt order dahil meron nang kaso ng sexual abuse at qualified trafficking laban kay Quiboloy sa Department of Justice.
Hindi totoo ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kinuha ang lahat sa kanilang pamilya at walang natira sa kanila noong na-exile sila sa Hawaii matapos mapatalsik sa pwesto ang kanyang ama noong Pebrero 1986. May dinala silang mga alahas na kinumpiska ang United States Customs Services na nagkakahalagang $436,420 hanggang $559,630.
Mas kaunting carbon dioxide nga ang nilalabas kapag sinusunog ang natural gas kaysa sa coal at oil, pero may babala ang climate scientists tungkol sa methane, na isa ring greenhouse gas na tumatagas sa atmospera sa paggawa ng natural gas.
Bumaligtad si dating pangulong Rodrigo Duterte sa paulit-ulit niyang panawagan ng secession para sa Mindanao. Hindi daw niya itutuloy ang plano dahil ito raw ay "biro" at "panakot" lang para mabigyang-pansin ang kalagayan ng Mindanao, na aniya ay matagal nang napababayaan.
Inendorso at sinuportahan ni Roque ang pagtakbo bilang pangulo ni Marcos noong 2022 national elections.
-