Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


JC de los Reyes: ‘I did not choose to be a Gordon’ (Q&A) PDF Print E-mail
Sunday, 22 November 2009
Courtesy of PROBE PROFILES

JC de los Reyes on Probe ProfilesHEIR to a political dynasty that introduced him to politics, Olongapo City Councilor John Carlos “JC” de los Reyes is defying tradition. He will be 40 years old in February and is dead-set in running for president in 2010 against political giants that will most likely include his uncle, Sen. Richard Gordon.

The son of Gordon’s sister Barbara, De los Reyes has neither money nor machinery. He is joining the political fray armed only with faith and conscience.

The standard-bearer of Ang Kapatiran, a political party espousing staunchly Catholic views, De los Reyes talks about his party’s “principle-based politics” in the following interview with Cheche Lazaro for Probe Profiles:

Q: JC, lumaki ka sa isang political family. Ano yung impluwensya non sa iyo?
A: Natuto ako kung pa'no makisalamuha sa taumbayan. Natuto ako na manirbisyo sa larangan ng pulitika.

Q: Pero ngayon na nagdesisyon kang pumasok, full steam ahead, ika nga, nasa'n ang pamilya mo?
A: Hindi ko masasabing nandito sila dahil ang pamilya ko, may kandidato rin, ngunit masasabi ko na may pamilya ako sa pulitika. Yan ang Ang Kapatiran Party, at fully supportive sila sa ginagawa ko.

Q: Bakit hindi sumasang-ayon ang pamilya mo/? Bakit hindi ka sinusuportahan?
A: Siguro dahil meron silang kandidato at meron naman din silang maraming magandang ginawa sa Olongapo at sa SBMA, Subic Bay Freeport Zone. Marami silang natulong ngunit meron silang sinusulong na iba sa prinsipyo na sinusulong namin sa Kapatiran Party.

Q: Magkasalungat ba ang inyong mga prinsipyo?
A: Maraming pareho ngunit merong mga mabibigat na magkakasalungat tulad ng dinastiya, dynasty. Bagama't kasama ako sa isang pamilyang dynasty na tatawagin natin, hindi naman ako namili na maipanganak sa Gordon family at ang nagdedetermina sa akin, ang aking mga desisyon pagtapos kong mapanganak. Yun naman ang nagdedetermina sa akin bilang tao. Hindi yung mga hindi natin hinangad, ngunit yung mga dinedesisyunan natin na nagbubuo sa ating sarili.

Q: Nung una kang sumabak sa pulitika, Kapatiran ba kaagad ang sinalihan mo o sumali ka muna sa grupo ng pamilya mo?
A: Sumama muna ako sa grupo ng pamilya ko.

Q: Anong nangyari?
A: That was the Nacionalista Party. Well, pinapatibay lamang ng karanasan na yon na kailangan talaga isulong ang mga responsable na mga partido na umaaruga ng tunay na pulitika, mga paninindigan, mga prinsipyo na kumukupkop sa miyembro ng isang partido -- hindi lamang statistika o miyembro lang na magpapalakas o gagawing popular ang isang pulitikal na partido ngunit ang isang miyembro, kailangan arugain ang partido na kupkupin nya yung mga prinsipyo at plataporma ng partido, at hindi lamang siya isang miyembro na tutulong para manalo ang isang standard bearer nila.

Q: Nung nasa Nacionalista Party ka, hindi mo ba nakita yon?
A: Wala. Nothing. I was a mere member. I never received a call, never received the principles and platform. Pag magpa-party sa Manila, isang beses lang akong pumunta. Dancing lang. Party, party, na walang saysay, walang lalim. And way back then, 1995, nakita ko na na this is not the kind of politics I want for my country.

Q: Bakit, ano bang pulitika ang gusto mo?
A: Ang gusto kong pulitika, ang seryoso sa serbisyo para sa taumbayan. Yung hindi lamang ang dami daming nakikita nating tarpaulin -- 'Serbisyong Totoo' -- pero paglalagay lang ng tarpaulin, mali na yon. Pinapakita mo sa taumbayan na nagseserbisyo ka pero kailangan mong ipaalam. Kailangan bang ipaalam para mamahal ng kapwa? Gusto kong pulitika, yung pulitika na talagang inaayos ang bayan, yung hindi pasikatan lamang, yung hindi pera-pera politics o iligal na kompromiso politics, o yung tinatawag kong, witchcraft politics o yung pagkukulam sa taumbayan. Yung pira-piraso lang ang binibigay mo sa taumbayan, ngunit talagang pwede mo namang ibigay lahat.

Q: Nung lumalaki ka, ano yung impluwensya ng mga magulang mo sa iyo at sa iyong pag-iisip?
A: Bilang namumuno sila sa charismatic movement at sa pagbubuo ng mga charismatic communities tulad ng Bukas-Loob sa Diyos community, malaki. Dahil tinuruan nila akong magbasa ng Bibliya, tinuruan nila akong tanggapin yung mga prinsipyo ng Panginoon, at dahil don, ito ang mga batayan ko sa pulitika. At hindi ko ipagpapalit yon.

Q: Sa pagpili din ng kurso, theology din yung napili mo. Bakit theology? Magpapari ka ba?
A: Gusto ko talagang magpari. Ang pinakahangad ko sa aking buhay ay makapag-impluwensya ng napakaraming tao para sa kabutihan, yung makatulong ako sa nakararaming tao. Akala ko magpapari na ako pero naiba ang landas natin at napunta tayo sa pulitika.

Q: Pa'no ka napunta sa pulitika?
A: Nung 1995, may isang kakampi ng pamilya ko sa slate ng konseho, at yung taong yon, lumaban sa kabilang kampo para pagka-vice mayor. Nagkaro'n ng bungi, at kinausap ako ng lola ko. "O, basta gusto mong lumaban?" At nag-usap kami, at I offered myself to run under the family's slate, the Gordon ticket.

Q: So yung lola mo ang nag-udyok sa 'yo?
A: Yes, because she was very much into charity works and very much into politics. She was a former mayor, she was an assemblywoman, and nung panahon na yon, medyo may katandaan na sya, magkasama kami. Ako lang na apo ang tumira with her at nag-uusap parati kami at sinabi nya, "Bakit hindi ka pumasok sa pulitika?"

Q: Sumunod ka naman?
A: Yes.

Q: Sa kagustuhan mo yon?
A: That time nawawala na yung desire ko para magpari dahil nung panahon na yon, 1995, panahon ng Ramos administration yon, maraming brownout. Papunta ako sa Roma, Italya, pero hindi na natuloy dahil nagturo ako sa University of Asia and the Pacific. Ngunit yung nasa isip ko non is, "Pa'no ako makakatulong sa nakararaming kababayan ko?" So naisip ko na pumasok sa pulitika.

Q: Hindi ka ba nawalan ng gana sa pulitika? Sabi mo hindi mo nagustuhan yung pulitiko ng inyong pamilya.
A: Well sa umpisa, maganda at marami naman ring nagawa ang pamilya ko sa lugar namin, at kung pa'no ni Senator Gordon inayos yung Freeport Zone, kahanga-hanga yon. Ngunit nung iniisip ko rin, mukhang hindi naiiba 'to sa nakikita natin sa buong bayan. Pare-parehong pamilya, pare-parehong tao sa pamilya, nagpapalit-palit lang ng posisyon, pero iisang pamilya lamang at ginagawa nang isang bagay na namamana ang pulitika. So sinabi ko, "Mas may higit pa na kailangang gawin."

Q: Nadismaya ka?
A: Yes.

Q: Ano yung nagpamulat sa mata mo na dismayado ka sa sistema?
A: Well, may mga bagay na hindi dapat gawin sa pulitika, na nagawa.

Q: Kagaya ng?
A: Mga panggigipit sa mga hindi kakampi ng pamilya, mga nabibiyaan lamang kung malapit sa partido o pamilya. Hindi ko gusto yon.

Q: Pero tumakbo ka, 25 years old ka lang?
A: 25 years old.

Q: Nung time na yon, were you fully aware of the pitfalls of politics?
A: I was naive that time, I should admit. And it was an eye-opener for me. Yes, my family did a lot of good things. Maraming ginawang mabuti, ngunit kulang. At ito nga, binubuo ko na nga. Binubuo na nga ng Ang Kapatiran party.

Q: Pero nung pumasok ka sa pulitika, ito ay dahil sa ikaw ay isang Gordon.
A: Yes, that time.

Q: Hindi ba hindi tama itong tinalikuran mo sila ngunit ginagamit mo rin? Sila yung pamaraan kung paano ka napasok sa pulitika.
A: Well kung kinakailangang yun ang pamamaraan, so be it. That was that time. But what's important is now, that despite that, I am reversing the way things are through the Ang Kapatiran party.

Q: Pagkatapos ng termino mo, nag-aral ka, kumuha ka ng master's degree?
A: Yes.

Q: Anong ginawa mo pagkatapos non? Meron ka na bang desisyon na talagang ipagpatuloy ang pulitika o ipag-ibayo yung iyong direksyon?
A: Well 1996 pa lamang nung unang termino ko sa pulitika. Magkasama na kami ni Nandy Pacheco na humahangad ng pambansang pagpapanibago. Kasama namin si Willy Nakar sa National Renewal Movement. 1996, 1997.

Q: Pa'no ka nasali don?
A: I was looking for a political family who would share my vision for my country. And destiny, nagkasama-sama kami don. Sila Joey Lina pa nga, nandun sila dating mayor ng Quezon City, nandun si Zobel, si Senator Pimentel. It was a good group until hindi ko alam kung anong nangyari, pero what's important here is Nandy Pacheco, sinulong nya yung Alliance for the Common Good o yung Pagbabago Party nung 1998 kung saan siya tumakbo for vice-president with Santi Dumlao as president. Tapos yung Ang Kapatiran Party, pagtapos ng 1998, isinulong namin. I was the one who gathered signatures for its accreditation as a political party sa Comelec in 2004. Nabigay na nga yung accreditation na yon, at I was busy that time building up the party.

Q: Bakit mo napili ang Ang Kapatiran, yaman din lamang at alam mo kung ano ang kailangan para manalo? Nung nanalo ka bilang konsehal sa Nacionalista Party, nakita mo yung makinarya.
A: Nakita ko yung makinarya.

Q: Nakatulong ba yung makinaryang yon?
A: Nakatulong ang makinarya. At that time, bago pa lang ako at hindi kilala at galing pa nga ako sa States, nag-aral ako ng teolohiya. So how will I get in? It was through that. I won. But I was dissatisfied with the way things were.

Q: So bakit ka nakisanib sa Kapatiran na walang makinarya?
A: Dahil kinakailangan nga na unahin natin ang prinsipyo bago popularidad. Nakikita ko sa buong bayan, ang nananaig is popularidad, pera, yung tutulong ka pero boto ang iniisip mo. Parati na lang tira-tira ang binibigay mo dahil gusto mo utang ng loob, makita ka. Hindi mo ibibigay lahat. Hindi natin gusto ang pulitikang ganyan. Gusto natin, ang pulitika ng konsensya, ang pulitika ng magandang asal, pulitika na bukas, nakikita ng tao, at yung hindi pinagyayabang ang ginagawa mo. Yun ang dapat. Matalo man ako, ayos lang. Okay lang yon, basta yung prinsipyo ko hindi ko bibitawan. Yun ang pinaka-importante.

Q: Ito bang pagtakbo mo bilang presidente, ito ba kumbinsido ka ba na maaari kang manalo?
A: Kumbinsido ako na maaari akong manalo.

Q: Pero sabi mo, maski talunan ka okay lang?
A: Definitely. Of course. Kahit na matalo ako, ayos lang, dahil manalo, matalo, panalo kami dito. Ibibigay ko lahat, at sa pagbibigay ng lahat, nagtatanim kami ng mga binhi ng pagbabago para sa bayan. Mga binhing yon, aanihin yon. Hindi naman kailangang kami, kundi yung mga anak natin at mga apo.

Q: Maraming magsasabing, napaka-naive naman ng viewpoint na yan dahil nakikita natin na maski prinsipyo ang pinaglalaban mo, kailangan meron kang organization, kailangan meron kang kilala. Hindi ito nakakabahala sa 'yo?
A: Hindi.

Q: Hindi ka nababahala don?
A: Hindi po, because yung makinarya, that's a work in progress. Lumalaki yan habang sinasabi mo ang prinsipyo mo sa taumbayan. Yun yung eksperyensya namin. Sino ba naman po ako? Yung Pulse Asia survey, nagkaro'n tayo ng 0.1 percent rating. Hindi naman ako kilala, pa'no nangyari yon? Yung mga kilala, sila Teodoro, he got two percent. Hindi naman po malayo yon. Tingnan po natin ang susunod na survey.

Q: .01 percent versus two percent is a lot.
A: Uh, well, yeah, a lot, but

Q: --that's 1.9 percent away.
A: Yes, but for a person na idineklara lang three months ago, para makakuha ng ganon, ang sinasabi nya is, ang pinapahiwatig nya is, may hinahanap ang taumbayan, at papatunayan po natin yan dahil yung mga dating tumakbo under Ang Kapatiran party, yung tatlong senatoriables, nakalikom po ng 800,000 votes on the average. At 2.9 million pesos, one and a half months of campaigning, 800,000 votes on the average. At meron pa pong party-list na Kapatiran para sa mga Bilanggong Walang Kasalanan. Akala pa ng mga tao, party-list po yung Ang Kapatiran national party. So pag pinagsama-sama po yan, mas malaking boto. May sinasabi po yung mga statistika na yon na naghahanap ang taumbayan ng pagbabago. At kung titingnan pa po natin, si Pichay, who spent almost a billion pesos, sabi nila, 600 million. Pero a billion, natalo. Si Pacquiao, natalo. Si Montano, si Goma, Richard Gomez natalo, na kilala at may pera. Indikasyon po yan na may pag-asa po ang ano, yung pulitika ng pagbabago.
Q: Kaninang umaga nag-feeding program ka. Matanong kita. Pa'no ka makikilala kung hindi ka magpapakilala?
A: Yung pagpapakilala po natin is by going to them and really educating them. Yung education component ng partido. That feeding program ay nagpapatibay lamang sa misyon. Hindi namin kailangang mag-educate don dahil hirap ang tao. Pero pinapatibay nya, pinapaigting lang nya sa pagpunta namin don, ang aming misyon na magmahal ng kapwa namin. Yung theme song namin, "Pananagutan," "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang," we had to do that. We had to go there. At yung pagpunta namin don ay para lamang mabuo talaga sa puso namin na kailangan naming isulong ang pulitika namin. Hindi namin kailangang magpakilala don. There are other ways and other times for that.



Newer Items:
          Next Page >>